Ngayong Aalis Ka Na…

Ngayong Aalis Ka Na…

Ilang araw na lang tatalikod ka na,
Anong tanong ko lang , kaya ko na ba?
Gusto kong pigilan ka
Pero hindi ko magawa..

Ano ba naman kase ang karapatan ko?
E magkaibigan lang tayo.
Pero ramdam ko naman na mahalaga ako sa’yo.
Lalo na yung niyakap mo ako , nung mga panahong kailangan ko…

At malilimutan ko ba ?
Yung animo mahal na mahal mo ako sa mga tiingin mo?
Kumusta naman yung mga hawak mo sa kamay ko?
At lalo na din yung palagian mong pakikipagkwento?

Sus…. Umasa na naman ako
Ano pa bang bago?
Pero kase bakit ganun?
Bigyan mo nga ako ng malinaw na eksplanasyon,

Hindi ko masabi ‘to sayong lahat
Hindi naman kase ako  dapat atat
Pero sana naman may pag-asa tayo
Mahal na kase kita at ‘yon yung nakakagago!

Ang mga kaibigan ko- kontra silang lahat sayo.
Nagseselos sila kase ikaw parati ang kasama ko.
Ipinaglalaban kita kase aalis ka na nga.
Natatakot akong saga susunod na araw wala ka na.

Ang dyahe kase kahit mga kanta sa playlist ko
Ramdam na ramdam ko lahat ng liriko.
Tumatagos, umaagos pailalim sa kaibuturan ng aking puso.
Ayan na nga at nagdurugo

Wala nga sigurong forever pero naniniwala ako sa destiny
Na balang araw , babalik ka at mamahalin mo na talaga ako
Pero alam ko , ang pagdating mo sa buhay ko…
Once in a blue moon lang , daraaan pero aalis din lang naman

Sana dumating pa rin tayo sa puntong masaya tayo pareho..
Ikaw , Ako – Kahit kalaban ang buong mundo..
Basta kapag dumating yung panahon na yun ?
Hinding-hindi na tayo magbibitawan..

Ang lakas marahil ng paniniwala ko sa destiny
Kase kahit gaano kaimposible ?
Kumakapit ako..
Kahit sa gahiblang pag-asa na ipinaramdam mo.

Basta ha? – Kahit saan ka magpunta dapat masaya ka
Makakahanap ka ulit ng bagong kaibigan.
Pero sana , yung pwesto ko sa puso mo (kung meron man)
Wag mong papalitan…

Sa pagtalikod mo sa araw ng iyong paglisan
Yayakapin lang naman kita ng mahigpit.
Hahalikan sa pisngi
Tas ibubulong ko sayo ang mga salitang maglalagom ng aking pagsinta

Bahala ka kung lumingon ka pa ulit 
Bahala ka kung yakapin mo din ako pabalik.
Basta isa lang ang sigurado ko ,
Sa mga oras na iyon…nakatalikod na ako.

Sa lahat..
Sa pagmamahal ko sayo.
Sa katangahan ko
Sa’yo na kaibigan ko..

Ang mahalaga lang naman ,
Nasabi ko yung hinaing ko.
Bago ka umalis…
Sa araw na iyong paglihis…

Young man with guitar case in hand is going away among industrial ruins

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s