LOVE YOURSELF AS WELL [A-Y]

 ss

Abakada Ng Pagmamahal Sa Sarili

Sa pagkakataong ito, hayaan mong buhaying muli ng aking mga tugmaan ang ibinasura ko na sana nating pagmamahalan
Hayaan mong sa paraan na ito, maipaabot ko sa’yo ang samu’t saring pakiramdam hanggang ngayon ay lumulukob sa sangkatauhan
Ilang taon na nga ba magmula ng ako’y iyong iniwanan at ipinagpalit sa kanya?
A oo nga pala, —Dalawa.. dalawang taon na din akong patuloy na nagdurusa
Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng lahat ng ginawa mo , mas matingkad pa din yung pagmamahal ko
Kaysa sa poot na dapat sana ay namamahay dito sa puso ko para sa’yo …
Pauulit-ulit kong binabalik-balikan ang mga alaala natin sa nakaraan
At habang ginagawa ko ‘yun, paulit-ulit din akong umaasa at nasasaktan
Dahil walang bakas, walang bahid sa bawat dahon ng pinto ng kwento nating aking ipininid
Na pinahalagahan mo ako gahibla man, kakarampot at kahit tipid
Subalit uulitin ko, mas matingkad ang kulay ng aking pagmamahal
Kaysa sa aandap-andap, malamlam na pagkamuhi ko sa’yo
At kahit humantong tayo sa pagiging estranghero sa isa’t-isa
Ikaw at ikaw pa din ang totoong itinitibok, kinikilala ng puso ko sinta
Hayaan mo at lulubayan din muna kita pansamantala
A, Aayusin ko muna aking sarili
Magpapakabait, magpapagwapo, mag-aaral ng maigi
Ba, Baka sakaling pag nagkasalubong ulit tayo ay kilala na ulit ako ng puso mo
At mabigyan ulit ng pagkakataon ang naunsyami nating kwento
Ka, kailanganin kong tumigil muna sa pagsulat ng mga tulang aking ibibigay sa’yo oras na magkabati tayo nang sa gayon ay mas makapagpokus ako subalit,
Da-dala-dala kong lagi ang pagmamahal na ito
Na siyang sandata ko para magtagumpay sa pagpupursigeng gagawin ko para sa’yo
E-eenganyuhin ulit ako ng tropa na magdota at mag COC pero tatanggi ako dahil alam kong ang gagawin kong pagbabago ay hindi lang para sa’yo kungdi para sa sarili ko
Ga-Gagalingan ko sa lahat ng asignatura hanggang sa unti-unting maibsan ang aking pangungulila dahil susubukan kong iwaglit ka sa aking isipan dahil,
Ha-Hahanapin ko ang sarili ko subalit hindi ikaw ang iwawala ko dahil hahanapin ko ang tamang lugar at hihintayin ko ang tamang panahon ng ating pag-ibig
I-iiwanan ko muna sa bandang likuran ang aking mga kahinaan at haharapin ang mga karuwagan
La-lakasan muna ang loob upang maitumba ang mga insekyuridad sa katawan nang kapag humarap sa’yo ay hindi na bahag ang buntot
Ma-magsisipag akong gumawa ng mga proyekto nang matuwa naman sa akin si Madam at maikwento sa klase niyo ang unti-unti kong pagbabago at ng maipaabot sa’yo
Na-nagkakasalubong na nga tayo at hindi na tulad ng dati na iniiwasan mo bagkus may tipid ng ngiting nakapaskil dyan sa labi mo
Nga-ngali-ngali kitang lapitan, kausapin, yakapin, hagkan nang minsang napapadaan ka sa aking harapan subalit mas pipiliin kong manahimik at titigan ka na lamang
O-oo, natu-torpe na tuloy ako sa’yo at di tulad ng dati na ang yabang-yabang ko sa tuwing lalapitan kita gayong puro hangin lang naman ang laman ng aking bunganga
Pa-pakiramdam ko ay ang layo ko na sa dating ako na siyang ikinalapit ng bawat anino mo sa anino ko pero nananatiling tikom ang bibig ko
Ra-Ramdam ko na malapit na ulit magtugma ang bawat tunog, ang bawat tugtog ng ating mga puso kaya,
Sa-sasabihin ko na, sasambitin ko ng muli ang aking pagsinta na alay lamang sa’yo at umaasa na sa oras na ginawa ko ito,
Ta-tatanggapin mo na ulit ako at hahayaan mong mahalin ulit kita nga higit pa sa naging pagmamahal ko sa’yo dati
U-Ulit-ulitin kong suyuin ka, lambingin ka hanggang sa madulas ang iyong dila at masabi mong ” OO, MAHAL DIN KITA, TAYO NA ULIT!”
Wa-walang makapapantay, makahihigit sa tuwang ipapasok mo sa buhay ko sa oras na hinayaan mo ulit na mahalin kita at mahalin mo din ako pabalik…
Ya-‘Yaan mong simulan ko ang ating kwento sa A, Aayusin ko muna ang aking sarili mahal ko baka sakaling ‘pag nagkasalubong ulit tayo ay hindi ka na iiwas bagkus Ya-yayakapin mo ako ng mahigpit at hahalikan sa labi….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s