ASA

16466514_1405155822869633_1517372807_o.jpg

ASA

Sa kawalan nakikipagtitigan ng tagos-tagusan,
Sapagkat ang buwang maliwanag ay nagsimula ng makipagtaguan.
Nagbabadya na naman ang pagbuhos ng ulan,
Salamat at nakahanap ng dahilan upang mata’y matubigan.

Hindi na mapatda ang pag-agos ng ilog mula sa mga mata.
Maglalakas-loob ka bang punasan ito ng panyo mong dala?
Oo kaibigan, dinadalaw na naman ako ng pangungulila,
Nagpapabaliktanaw na naman sa nakaraang may ‘siya’.

Maaari bang pahiram ako ng kapirangot mong sandali?
Pakihila’t pakikalas lang nitong kalungkutang sa akin ay nakatali.
Pwede bang magkuwento ka naman?
Gusto ko yung nakakaaliw nang malimutan ko na siya ng tuluyan.

Dito ka lang muna sa tabi ko ha?
Huwag mo din akong iwanan ng katulad ng ginawa niya, pwede ba?
Pasensya kung ika’y nasasangkot, nadadamay,
Pero salamat dahil sa mga wASAk kong kwento hindi ka pa nauumay…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s