HUGOT

Sensual-Graffiti-Menggambar-Wajah-Hitam-Hitam-Dan-Putih-Lukisan-Rumah-Dekorasi-kayu-bingkai-poster.jpgMadali lang naman hugutan yung mga bagay-bagay sa paligid.
Yung pinagbalatan mo ng kendi, yung nasira mong gamit, damo, mga kaibigan mo, pagkain, buwan, tubig, pati ang mga walang alam at nananahimik na mga tala sa kalawakan ay nagagawan mo ng kuwento para maaliw ang lahat sa’yo. Na sa sobrang pagkaaliw nila inulit-ulit mo pa kahit alam mo sa sarili mong nagmumukha ka ng tanga.
Pero kung madali lang hugutan yung mga bagay-bagay na nakapalibot sa’yo hanggang sa pinakahuli-hulihang naging katangahan o kalokohan mo, sa iba hindi.
May mga tao sa paligid natin na hindi mo alam pero wala ng pinaghuhugutan ng lakas para magpatuloy sa buhay. Bukod sa hikahos, walang pamilya – itinatatwa pa ng lipunang ginagalawan nila imbes na unawain at tanggapin sila.
Hindi mo sila kilala?
Sila yung mga batang itinataboy mo kapag hinihingian ka ng piso o limang piso kapag tumatambay kayo ng mga kaibigan mo o boyfriend mo sa parke. Naalala mo na?
May pagkakataon na nakakatagpo rin tayo ng taong kahit hindi man magsalita ramdam mong hindi na nila alam kung saan huhugot ng pag-asa lalo na kung halos lahat ng pintong kinatok nila ay nanatiling sarado.
Yung tipong masyado naman silang mabait pero maramot ang tadhana sa kanila at maging ang pagkakataon, pakiramdam nila ay ipinagkakait.
Habang nag-uumapaw ang kagustuhan nilang magtagumpay, inilulubog naman sila sa kumunoy ng kawalan ng pag-asa.
Ang masaklap nito, walang taong handang magsilbing enerhiya para mapagkunan nila.
Sila yung mga taong hindi katalinuhan, pero nakapag-aral naman subalit hindi matanggap-tanggap sa trabaho sa hindi malamang kadahilanan.
Mas nawalan sila ng pag-asa nang may mga taong hindi naman talaga karapat-dapat sa pwesto pero itinalaga ng walang malinaw na kapaliwanagan..
‘Di ba masyadong maramot ang pagkakataon? O ‘di kaya naman, hindi na talaga patas ang laban sa ngayon.
May mga pangyayaring madali lang tawanan o ngitian. Yung simpleng pagkadulas o pagkapahiya ng kaaway mo, mga kakatawanan sa social media, mga korning jokes ng mga kaibigan mo, minsan nga presensya lang ng crush mo abot-tenga na ang ngiti mo.
Pero ang tanong, bakit yung iba pinipili na lamang na bumusangot at manatiling malungkot? Yung tipong titigan mo lang sila mahahawa ka na sa lamig ng awra nila. Ni hindi masagap ng radar mo ang ngiti nila.
Sila yung mga taong tumanda na sa mundong ito pero nananatiling hindi kontento. Maririnig mo lamang ang tawa nila kapag nasa harap sila ng umiikot na bote ng alak, umiikot na dice, inilalapag na baraha, umuusok na sigarilyo, tsismisan o hindi naman kaya sabungan. Wala e, para sa kanila iyon na ang kaligayahan.
Paanong hindi?
Sila yung mga magulang na nagkayod-kalabaw para mapagtapos sana yung mga anak nila pero nangangalahating taon pa lamang sa kolehiyo, tumigil na dahil may bagsak na asignatura o hindi naman kaya nagmahal, nabuntis, nag-asawa ng alanganin. Masyado silang umasa sa pangako ng mga anak nila na magtatapos at iaahon sila sa kahirapan pero binigo lamang sila sa bandang dulo. Kaya ayun, imbes na suportahan yung mga sumunod sa panganay, hindi na, bagkus pinili nilang maging sugarol, lasenggo, babaero o tsimosa na lamang.
Natutuwa nga sila pero mababaw lamang at hindi pangmatagalan. Hindi sila natutuwa sa sinag ng araw, kulay ng langit, linaw ng tubig at maging sa tawa o hagikhik ng kanilang mga apo.
Sila yung mga bugnutin mong lola at lolo na dapat ay mahalin at unawain mo.
Sa mundong ito na maraming pamantayan sa iba’t-ibang aspeto? Masanay ka na. Kahit na malaya tayo sa kung anumang nais nating gawin, isaalang-alang pa rin natin ang mga nakapalibot sa atin.
Baka pala sa kakahugot mo, lumilikha ka na ng hukay kung saan ang ibabaon mo ay ang sarili mo.
© 2017
Advertisements

2 thoughts on “HUGOT

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s